dzme1530.ph

ICI, TINAPOS NA ANG IMBESTIGASYON SA ANOMALYA SA FLOOD CONTROL PROJECTS

Loading

Tinapos na ng Independent Commission for Infrastructure o ICI ang imbestigasyon nito sa mga sinasabing anomalya sa flood control projects ng gobyerno.

 

Inimbentaryo na rin ng Bureau of Customs ang 12 luxury vehicles na nakumpiska mula kay dating Cong. Zaldy Co.

 

Ito ay bago pa ang iturnover ng ICI sa Customs ang mga sasakyan.

 

Bilang hudyat din ng tuluyang pagtatapos ng mandato, nagsagawa ng farewell party ang ICI na dinaluhan ng mga dati ring miyembro na sina dating DPWH Secretary Rogelio Singson at Auditor Rossana Fajardo.

 

Umaasa naman si ICI Chairperson retired Justice Andres Reyes na ipagpapatuloy ng Ombudsman ang lahat ng kanilang mga nasimulan sa imbestigasyon.

About The Author