dzme1530.ph

DOTr, MAGPAPATUPAD NG DISCOUNTED NA PASAHE O LIBRENG SAKAY SA BUS SA MGA SUSUNOD NA LINGGO

Loading

Inanunsyo ng Department of Transportation (DOTr) na magpapatupad sila ng discounted na pasahe o libreng sakay sa bus mga susunod na linggo.

 

Mayroong isang bilyong pisong budget ang DOTr para sa service contracting ng public utility vehicles na ire-release ng Department of Budget and Management (DBM).

 

Ayon kay Transportation Secretary Giovanni Lopez, layunin ng hakbang na i-subsidize ang pasahe upang mas marami ang makinabang.

 

Samantala, hindi naman alintana ng ilang biyahero ang tumaas na pasahe sa mga bus sa kagustuhang makasama ang kanilang mga pamilya ngayong bakasyon.

 

Kabilang sa mga ruta na tumaas ang pasahe kahit wala pang approval mula sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ay patungong Baler sa Aurora at Baguio City.

About The Author