dzme1530.ph

HIRIT NA 10% FARE DISCOUNT NG BUS COMPANY SIMULA BIYERNES SANTO HANGGANG LINGGO NG PAGKABUHAY, INAPRUBAHAN NG LTFRB

Loading

Kinatigan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang hiling ng isang malaking kumpanya ng bus na bigyan ng 10% discount ang lahat ng pasaherong bibiyahe simula Good Friday hanggang Easter Sunday.

 

Sa statement, sinabi ni LTFRB Chairman Vigor Mendoza II na saklaw ng approval, ang operasyon ng mga pampasaherong bus na nasa ilalim ng Yanson Group of Bus Companies.

 

Kabilang dito ang mga bumibiyahe sa Visayas at Mindanao, gaya ng Vallacar Transit, Bachelor Express, gayundin ang Southern Bus Star, Sugbo Urban Transit at Love Visayas Transpo Express na nag-ooperate sa Visayas.

 

Kasama rin ang Golden Bus Transit at Ceres Transport na mayroong nationwide operations.

 

Inihayag ng LTFRB chief na ang hakbang ng Yanson Group ngayong Semana Santa ay magbibigay ng financial relief sa mga biyahero.

About The Author