![]()
Nagpatupad ng double-digit na pagtaas ng presyo ng liquefied petroleum gas ang mga fuel companies simula ngayong araw na ito.
Bente pesos kada kilo o katumbas ng 220 pesos ang idinagdag ng Petron sa kanilang LPG epektibo kaninang alas-12:01 ng hatinggabi.
Ang Solane naman ay nagdagdag ng 17 pesos kada kilo sa kanilang LPG kaninang alas-sais ng umaga.
Sa datos ng Department of Energy, ang isang 11-kilogram na LPG tank ay nagkakahalaga na ng 818.62 hanggang 1,128.62 pesos.
Una nang nagbabala ang LPG Marketers Association na posibleng umabot sa 1,500 pesos ang presyo ng LPG dahil sa patuloy na tensyon sa Middle East.
