![]()
MULING nagbabala si Senate Committee on Agriculture and Food Chairman Kiko Pangilinan na mahaharap sa kasong profiteering ang sinumang magsasamantala sa kinakaharap na krisis ng bansa sa pamamagitan ng pagbebenta ng overpriced na produkto.
Sinabi ni Pangilinan na masusing binabantayan ng Department of Agriculture at Department of Trade and Industry ang presyo ng mga bilihin tulad ng mga produktong agrikultura sa mga lokal na pamilihan.
Inanunsyo ni Pangilinan na sa meeting ng Agra-Agri Team, tinalakay nila ang status ng mga pangunahing bilihin sa bansa tulad ng asukal, sibuyas, baboy, manok, itlog, isda at bigas.
Pinag-usapan din ang paggamit ng biofertilizers, debt moratorium, price monitoring at warehouse congestion.
