Mananatiling naka-heightened alert ang National Capital Region Police Office (NCRPO) hanggang sa ikalawang linggo ng Mayo bilang paghahanda para sa darating pang holidays, gaya ng Labor Day, pagkatapos ng Holy Week.
Sinabi ni NCRPO chief, P/Maj. Gen. Edgar Okubo na habang naka-heightened alert, 5% lamang ng kanilang puwersa ang pinapayagang mag leave.
Gayunman, binigyang diin nito na wala silang natatanggap na mga banta at ipagpapatuloy lamang nila ang pagde-deploy ng personnel, lalo na ngayong magdadagsaan muli ang mga pasahero mula sa mga lalawigan pabalik ng Metro Manila.
Inihayag din ni Okubo na generally peaceful ang naging paggunita ng Semana Santa at walang malalaking insidenteng naitala.