dzme1530.ph

Torre sa tanong kung bitter kay Nartatez: ‘Mukha ba akong bitter?’

Loading

“Look at me straight in the eye, do I look like somebody who is bitter?”

Ito ang tugon ni dating PNP Chief Nicolas Torre III sa tanong kung may tampo siya kay Police Lt. Gen. Jose Melencio Nartatez na itinalaga bilang officer-in-charge ng Pambansang Pulisya.

Aniya, handa siyang magbigay ng payo kay Nartatez na tinawag niyang “very good police officer.” In good terms din umano siya kay Interior and Local Government Sec. Jonvic Remulla.

Inamin din ni Torre na kaya siya nasa Kamara ay para personal na batiin at dalhan ng cake si Mamamayang Liberal Rep. Leila de Lima sa kanyang kaarawan.

Si de Lima rin umano ang unang opisyal na bumati sa kanya nang maitalaga siya bilang PNP Chief noong Hunyo 2, 2025.

About The Author