dzme1530.ph

6 out of 10 Katolikong Pinoy, hindi nahirapang tuparin ang kanilang panata tuwing Mahal na araw

Mas maraming katoliko ang nagsabing hindi sila nahirapang tuparin ang kanilang panata tuwing Mahal na Araw.

Sa resulta ng Veritas Truth Survey na isinagawa ng Radio Veritas na pinatatakbo ng Simbahang Katolika, 6 sa bawat 10 Pilipino na lumahok sa survey o 58% ng 1,200 respondents ang nagsabing natupad nila ang kanilang penitential obligations nang walang kahirap-hirap.

26% naman ang nagsabing pinaka-challenging ang fasting, 10% ang nahirapan sa pagbibigay ng limos habang tig-3% ang nahirapan sa abstinence at pagdarasal.

About The Author