Ang pasma o muscle spasm ay isang karamdaman kung saan ang mga kasu-kasuan at kalamnan ay biglang makararanas ng pagkirot o hindi komportableng pakiramdam.
Ang itinuturong dahilan ng pagkapasma ng kalamnan ay kakulangan sa tubig at electrolytes sa katawan. Ito ay maaring dahil din sa pagod o sobrang pagta-trabaho (over fatigue) ng mga kalamnan.
Ayon naman sa makalumang paniniwala, ang pasma ay nakukuha sa biglang pagbabago ng temperatura sa paligid ng kalamnan.
Bagaman ang paniniwalang ito ay hindi suportado ng siyentipikong pag-aaral, sinasabing ang pasma ay maaring isang paraan ng katawan upang ipahiwatig na nasosobrahan na ang isang indibidwal sa trabaho.