dzme1530.ph

4 karagdagang EDCA Sites, inanunsyo na

Inanunsyo na ng Malacañang ang apat na karagdagang lokasyon para sa Enhanced Defense Cooperation Agreement ng Pilipinas at America.

Ang mga ito ay ang Naval Base Camilo Osias sa Sta. Ana Cagayan, Lal-lo Airport sa Lal-lo Cagayan, Camp Melchor Dela Cruz sa Gamu Isabela, at Balabac Island sa Palawan.

Ayon sa Presidential Communications Office, ang apat na bagong lokasyon ay angkop at kapwa makabubuti sa dalawang bansa, at nakikitang mapalalakas pa nito ang disaster response ng Pilipinas dahil gagamitin din ito sa humanitarian at relief operations sa panahon ng emergencies at mga kalamidad.

Sinabi ng palasyo na ang apat na lokasyon ay na-inspeksyon at na-assess na ng Armed Forces of the Philippines.

Ang EDCA ang kasunduang nagpapahintulot sa America na magtayo at mag-operate ng facilities sa Pilipinas, habang binibigyan naman ng access ang mga sundalong Pilipino sa US ships at aircrafts. — sa panulat ni Harley Valbuena, DZME News

About The Author