dzme1530.ph

April 26 deadline ng SIM Registration, wala nang extension —DICT

Wala nang extension ang deadline sa pagpapa-rehistro ng Sim numbers sa bansa sa ilalim ng SIM Registration Law.

Ayon sa Dept. of Information and Communications Technology, mananatili sa Abril a -26 ang palugit sa pagpapa-rehistro.

Kaugnay dito, pinaalalahanan ni DICT Usec. at Spokesperson Anna Mae Lamentillo ang mga hindi pa nagpapa-rehistro ng SIM na seryosohin ang usapin at magpa-rehistro na ngayon para makaiwas sa deactivation.

Sa pagtatapos ng buwan ng Marso, umabot na sa 54.7 million sims ang nai-rehistro o 32.37% ng kabuuang 168 million subscribers nationwide.

Kabilang dito ang nai-rehistrong 27.8 million sa Smart, 22.6 million sa Globe, at 4.1 million sa DITO Telco. –sa panulat ni Harley Valbuena, DZME News

About The Author