dzme1530.ph

Mga bansang miyembro ng OPEC+, may planong magbawas ng produksyon ng langis

Inaasahang magbabawas ng produksyon ng langis ang mga bansang miyembro ng Organization of the Petroleum Exporting Countries (OPEC+).

Batay sa anunsiyo ng bansang Saudi Arabia, magbabawas sila ng 500,000 bariles kada araw simula sa Mayo hanggang matapos ang taon.

Bukod sa Saudi inanunsiyo rin ng Russia, United Arab Emirates, Kuwait, Iraq, Oman at Algeria, ang kanilang planong pagbabawas sa produksiyon ng langis.

Binigyang diin ng Saudi Energy Ministry, na pangunahing layunin ng kanilang gagawing hakbang ay upang palakasin ang presyo ng langis sa oil market.

Kaugnay nito, asahan na ang kaliwa’t-kanang oil price hike sa bansa sa Mayo.

About The Author