Nakatakdang ilunsad ng pamahalaan ang national emergency hotline sa Hulyo, salig sa mga hakbang na palakasin ang seguridad sa buong bansa.
Ayon kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang Unified 911 Emergency System ay inaasahang mailulunsad sa susunod na buwan.
Una aniya itong ipatutupad sa National Capital Region, Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao, Ilocos Region, at Central Visayas.
Sa kanyang vlog, kahapon, sinabi ng Pangulo na sinisimulan na nila ang pagde-deploy ng mas maraming pulis o tinatawag na “Cops on Beat.”
Sa hiwalay na pahayag, ibinida ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na ang emergency hotline ay gumagamit ng “cutting edge technology” upang matiyak ang mabilis na tugon mula sa frontline units, gaya ng PNP at Bureau of Fire Protection, habang ini-screen ang nuisance calls.