dzme1530.ph

50 potential projects para sa Public-Private Partnership, tinukoy ng NIA

50 potential projects ang tinukoy ng National Irrigation Administration (NIA) para sa Public-Private Partnerships.

Sa statement, sinabi ng nia na lumagda ito ng Memorandum of Agreement sa PPP Center sa layuning ma-maximize ang paggamit ng kanilang assets at irrigation projects para sa potential partnerships sa private sector.

Tinukoy ng ahensya ang 50 potential projects para sa PPP na mayroong pitong revenue streams, na kinabibilangan ng hydroelectric power, solar power, aquaculture, wind energy, bulk water supply, water treatment, at carbon credits.

Samantala, ayon sa NIA, as of december 31, 2021, 65.28% ng kabuuang 3.12 million hectares ng irrigable land sa buong bansa ang na-develop na.

 

About The Author