Umakyat na sa 172,928 katao ang naapektuhan ng oil spill sa Oriental Mindoro, batay sa pinakahuling report ng National Disaster Risk Reduction and Management Council.
Sa ulat ng NDRRMC, pinakamarami ang naapektuhan sa Mindoro, Marinduque, Romblon, at Palawan (MIMAROPA) kung saan 138,043 katao ang naapektuhan.
7,740 katao naman ang apektado ng oil spill sa CALABARZON habang 27,245 sa Western Visayas.
Samantala, 16,930 na mga mangingisda ang naapektuhan ng oil spill habang umabot na sa mahigit P283.556-M ang halaga ng production losses bunsod ng pagtagas ng langis mula sa lumubog na MT Princess Empress.