Tiniyak ni Pang. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na mananatiling aktibo ang Pilipinas sa pagtataguyod ng demokrasya at human rights sa global stage.
Sa kanyang mensahe sa plenary session ng 2nd session for Summit for Democracy, inihayag ng Pangulo na patuloy silang makikipag-dayalogo sa iba’t ibang bansa at international platforms sa mga isyung may kaugnayan sa demokrasya, human rights, at good governance.
Ipinagmalaki pa ni Marcos ang pinalakas na pagbibigay ng hustisya sa kanyang administrasyon sa pamamagitan ng mga institusyon at mekanismong nagtatanggol sa right to life, liberty, at security ng lahat ng Pilipino.
Sa kampanya naman laban sa iligal na droga, patuloy din umanong tinututukan ng gobyerno ang rehabilitasyon, prevention, edukasyon, at pagtulong sa drug victims at kanilang mga pamilya.
Nanindigan din ang Chief Executive na patuloy na nananaig sa bansa ang Rule of Law at Criminal Justice System, sa harap ng pagkakaroon ng mga batas na magpaparusa sa heinous crimes.