dzme1530.ph

Kandidatura sa pagkasenador ni Bam Aquino, suportado ng ilang celebrities

Loading

Nakakuha si Senador at independent senatorial candidate Bam Aquino ng mahalagang suporta ilang araw bago ang halalan, sa pag-endorso ng “Unkabogable Star” na si Vice Ganda sa kanyang kandidatura.

Sa isang video sa kanyang Facebook page, makikitang umaawit si Vice Ganda ng “Bam Bam Bida Bam Bam Bida Bam” habang kinukunan ang kanyang mga labi gamit ang cellphone.

Pagkatapos, ipinasa niya ang telepono sa ilang personalidad, kabilang ang OPM icon na si Ogie Alcasid at singer na si Darren Espanto, na nakikanta na rin.

Sa pagtatapos ng video, sinabi ni Vice Ganda: “Ibalik sa Senado ang matino at matalino. Bam Aquino. No. 5 sa balota.”

Nagpasalamat naman si Aquino kay Vice Ganda sa kanyang suporta at paggamit ng kanyang plataporma para sa kapakanan ng sambayanang Pilipino.

Nadagdag si Vice Ganda sa listahan ng mga artistang sumusuporta sa kandidatura ni Aquino, kasunod nina Piolo Pascual, Dingdong Dantes, at Iza Calzado. Sumama pa sina Pascual at Calzado sa motorcade ni Aquino sa Metro Manila kamakailan.

About The Author