dzme1530.ph

Air Asia may apela sa MIAA

Umapela ang Philippine Air Asia sa Manila international Airport authority (MIAA) na mailipat na rin sa NAIA Terminal 1 ang kanilang international flight kasabay ng paglilipat ng kanilang domestic flights sa Terminal 2 simula July 1.

Ayon kay AirAsia Philippines Communications and Public Affairs Country Head Steve Dailisan, mahihirapan ang mga pasaherong may connecting flight mula T3 papunta Terminal 2 dahil sa layo ng distansya ng biyahe ng bus at posible umanong maiwan sa flight ang mga pasahero.

Ayon kay Dailisan layunin lamang nila na maging kumportable at kaginhawahan ng kanilang mga pasaherong may connecting flight pauwi sa kanilang probinsya.

Giit pa ni Dailisan sumusunod naman sila sa airport assignment kaugnay ng paglilipat ng MIAA sa ilang airlines pero ang kanilang hiling na kung mailipat na sa T2 ang kanilang domestic flights ay mailipat na rin sana sa T1 ang kanilang international flight.

Samantala ang ibang Airlines naman na apektado din ng paglilipat sa ibang terminal ay may mga concern din dahil panibagong gastos nanaman anya para sa kanilang mga kagamitan sa check-in counters.

About The Author