Nanindigan ang kampo ni suspended Negros Oriental 3rd District Rep. Arnolfo Teves Jr. na hindi pa maituturing na pugante ang kongresista dahil wala pang inilalabas na Warrant of Arrest ang pamahalaan.
Kasunod ito nang sabihin ni Department of Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na maituturing ng pugante si Teves dahil pinaghihinalaan itong gumawa ng krimen at hindi nagpakita, na mistulang umiiwas sa batas.
Sa panayam ng DZME1530, sinabi ni Atty. Ferdinand Topacio na naniniwala siya na bahagi ito ng political persecution.
Nilinaw naman ni Topacio na kaya hindi pa umuuwi sa Pilipinas si Teves ay dahil sa nakuha nilang impormasyon may banta sa buhay ang kongresista.