Suspendido ng apat na araw ang operasyon ng Philippine National Railway (PNR) bilang pakikiisa sa paggunita sa Semana Santa.
Ayon sa pamunuan ng PNR, ikakasa ang tigil-operasyon mula Huwebes Santo, Abril 6, hanggang sa Linggo ng Pagkabuhay, Abril 9, kung saan sasamantalahin anila ang pagkukumpuni sa mga tren at riles sa mga istasyon.
Magbabalik ang normal na biyahe ng PNR sa Abril a-10, Lunes, na una nang idineklara na Holiday ng Pamahalaan, bilang paggunita sa Araw ng Kagitingan.
Kaugnay nito, nilinaw ng PNR na may train operation mula Abril a-1 hanggang Abril a-5, araw kung saan inaasahang daragsa ang mga biyahero.
Tiniyak naman ng PNR na magdaragdag sila ng mas maraming personnel upang masiguro ang kaligtasan ng mga pasahero gayundin ang kaayusan ng kanilang operasyon.