dzme1530.ph

Bilang ng mga tursita sa Pilipinas, tumaas ng 1.32 million sa Q1 ng 2023

Tumaas ng 10 beses ang bilang ng mga turista sa Pilipinas sa First Quarter ng taong ito.

Ayon sa Department of Tourism, naitala nila ang 1.32 million international visitor arrivals ngayong 2023 mula sa 102, 031 na naiulat sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.

Mula sa nasabing bilang, 1.227 million ang foreign tourists habang 105,568 ang mga Overseas Filipino Workers (OFWs).

Nanguguna naman ang South Korea na may pinakamaraming bilang ng turista sa Pilipinas, sinundan ito ng U.S, Canada, Australia, Japan, Taiwan, China, United Kingdom, Singapore at Malaysia.

Samantala, ini-uugnay ng kawaran sa pagluluwag ng border restrictions ng Pilipinas at ng iba’t ibang bansa ang pagtaas ng bilang ng mga turista.

About The Author