FTI, bibili at magbebenta ng mas murang karne ng baboy sa gitna ng mataas na presyo sa mga palengke

dzme1530.ph

FTI, bibili at magbebenta ng mas murang karne ng baboy sa gitna ng mataas na presyo sa mga palengke

Loading

Inanunsyo ng Department of Agriculture (DA) ang planong bumili at magbenta ng lokal na karneng baboy, sa pamamagitan ng Food Terminal Inc. (FTI), upang mabigyan ng mas murang pagpipilian ang mga consumer.

Sa kasalukuyan ay nananatiling mataas ang retail prices ng karneng baboy sa kabila ng kasunduan sa industry stakeholders para sa pagtatakda ng Maximum Suggested Retail Price (MSRP).

Unang itinakda ang MSRP sa karneng baboy sa ₱350 per kilo para sa kasim; ₱380 per kilo ang liempo; ₱300 per kilo ang “sabit-ulo.”

Sinabi ni DA Spokesperson, Assistant Secretary Arnel de Mesa na isasakatuparan ng gobyerno ang hakbang kung patuloy na iiral ang mataas na retail prices.

Sa ngayon aniya ay pinag-aaralan pa nila ang mechanics kung magkano at saan ibebenta ang mas murang presyo ng karneng baboy.

About The Author