dzme1530.ph

Sen. Dela Rosa, hindi maaaring iligtas ng Senado

Loading

Hindi maaaring sagipin ng Senado ang miyebro nito na si Senador Ronald “Bato” Dela Rosa mula sa International Criminal Court (ICC).

Pahayag ito ni Joel Butuyan, isang ICC-Accredited Lawyer, kasabay ng pagbibigay diin na bahagi ng responsibilidad ng Mataas na Kapulungan na isuko ang dating PNP Chief kapag dumating na ang warrant of arrest nito.

Una nang sinabi ni Senate President Francis “Chiz” Escudero na maaaring magpakanlong si Dela Rosa sa Senado.

Sa online press conference ng Foreign Correspondents Association of the Philippines, inihayag ni Butuyan na hindi niya alam kung ano ang basehan ng deklarasyon ng Senate President.

Aniya, malinaw sa rules, na walang obligasyon o responsibilidad na i-surrender ang akusado kung ang imposable penalty ay mas mababa sa anim na taon, subalit ang parusa sa alinmang kaso laban kay Dela Rosa ay nasa 30 taon.

 

 

About The Author