dzme1530.ph

FPRRD, naniniwalang magreresulta sa pagka-presidente ni Inday Sara ang pag-aresto sa kanya

Loading

Naniniwala si dating Pangulong Rodrigo Duterte na mananalo ang kanyang anak na si Vice President Sara Duterte kapag tumakbo itong presidente.

Ginawa ng nakatatandang Duterte ang pahayag habang nasa Villamor Airbase matapos isyuhan ng arrest warrant ng International Criminal Court, kahapon, bunsod ng umano’y crimes against humanity.

Sa Instagram live post ng bunsong anak na si Veronica “Kitty” Duterte, sinabi ng dating Pangulo na dahil sa pagpapa-aresto sa kanya ng ICC, tiyak na magiging pangulo si Inday sara kapag nagpasya itong kumandidato.

Gayunman, nahaharap ang Bise Presidente sa incitement to sedition at grave threat complaints.

Inimpeach din si VP Sara ng House of Representatives at naghihintay na lamang ng impeachment trial sa Senado.

About The Author