dzme1530.ph

CHR, nagtalaga ng mga imbestigador na magmo-monitor at mag-a-assess sa kaso ni dating Pangulong Duterte matapos itong arestuhin

Loading

Nag-deploy ang Commission on Human Rights (CHR) ng kanilang mga imbestigador para “i-monitor” at “i-assess” ang mga kaganapan sa kaso ni dating Pangulong Rodrigo Duterte kasunod na pagkakadakip sa kanya kahapon.

Sinabi ng Komisyon na kinikilala nila ang inilabas na arrest warrant ng International Criminal Court (ICC) laban sa dating Pangulo.

At bilang bahagi ng kanilang mandato sa ilalim ng Konstitusyon, ay nagtalaga sila ng mga tauhan na tututok sa development ng kaso ni Duterte.

Nanindigan din ang CHR sa kanilang kahandaan na makipagtulungan sa ICC kasunod ng pag-aresto sa dating chief executive para sa kinakaharap nitong crimes against humanity.

Binigyang diin din ng CHR na mahalagang pundasyon ng hustisya ang “due process” na isa sa safeguards, hindi lamang sa karapatan ng akusado, kundi upang matiyak na maririnig din ang boses ng mga biktima.

About The Author