dzme1530.ph

Higit 100 foreign nationals, nai-padeport na ng BI

Loading

Aabot sa mahigit 100 foreign nationals ang naipa-deport kahapon ng Bureau of Immigration pabalik sa kanilang bansa.

Sa panayam ng DZME 1530-ang Radyo TV kay BI Spokesperson Dana Sandoval, sinabi nitong batay sa datos, nasa mahigit 500 dayuhan na ang kanilang naaresto simula Enero bunsod ng pagkakasangkot ng mga ito sa iligal na POGO.

Nagpapatuloy naman aniya ang kanilang pagtugis sa 11, 000 foreign POGO workers na napag-iwan sa bansa.

Binanggit din ng BI official na may mga nakararating sa kanilang impormasyon ukol sa pagpapatuloy ng small groups operations ng POGO sa bansa.

Samantala, sa tanong kung hahabulin pa ba ng Philippine authorities ang foreign nationals na nakatakas habang nasa biyahe pabalik ng kanilang bansa, nilinaw ni Sandoval na maikokonsidera ng implemented o naisakatuparan na ang pagpapa-deport sa dayuhan sa oras na makalabas ito ng Pilipinas.

About The Author