Maaring ipadala na sa tanggapan ng Pangulo ang draft report ng Senate Committee on Ways and Means na nagrerekomenda na palayasin o ipagbawal na ang POGO sa bansa
Ito ayon kay Sen. Win Gatchalian, Chairman ng Komite ay para mapag-aralan na ng Office of the President ang mga basehan bakit kanilang inirerekomenda ang pag-phaseout sa POGO sa bansa
Iginiit ni Gatchilan na may mga konkretong basehan at hindi imbento lang ang mga rason bakit nais nila na agaran ng ipasara ang mga POGO sa bansa
Maging ang mga opisyal ng Dept. of Finance at NEDA ay anya kumbinsido na dapat ng ganap ipagbawal ang POGO sa bansa dahil bukod sa mga krimeng may kaugnayan sa POGO hindi naman sila nagpapasok ng pera sa bansa para mag invest
Wala anya silang pinatayong sariling gusali sa halip ay nangungupahan lang sila
Tiwala naman si gatchalian na papanigan ni Pang. Bongbong Marcos Jr., ang rekomendayon ng kanyang komite