dzme1530.ph

Retired SC Justice, nagbabala laban sa “manchurian candidates” sa Halalan 2025

Loading

Nagbabala si dating Supreme Court senior associate justice Antonio Carpio laban sa “manchurian candidates” o mga politikong nasa ilalim umano ng kontrol ng kapangyarihan ng ibang bansa, gaya ng China.

Ipinaliwanag ni Carpio na ang Halalan ngayong 2025 ay hindi lamang tungkol sa internal politics o internal matters, dahil mayroong isang bansa na nais agawin ang ating maritime zones at island territories.

Dahil dito, marapat lamang aniya na maging maingat at huwag suportahan ang  mga manchurian candidate na sunud-sunuran sa dikta ng China.

Idinagdag ng retiradong mahistrado na sa mga nakalipas na taon ay may ilang elected officials na mas pinapaboran ang China kaysa sa national interest ng Pilipinas.

Idinagdag ni Carpio na dapat iwasan ang mga ganitong sitwasyon dahil maaring mawala sa atin ang West Philippine Sea.

About The Author