Muling binuksan ng lokal na pamahalaan ng Taguig ang TLC Park para sa isang linggong pagdiriwang ng Araw ng mga Puso sa C6 Road, Lower Bicutan, Taguig City.
Tampok sa TLC Park ang live concert mula sa mga kilalang banda at piling artista, 3D art installation, Rainbow Tunnel, Infinity Tunnel, Instabox Bible Verse Area, Light of Hope at iba pa.
Umarangkada ang Heartbeat Service Caravan nitong Febuary 10 na tatagal hanggang Febuary 16, 2025.
Iikot sa iba’t-ibang lugar sa Taguig ang caravan tampok ang mga kilalang banda tulad ng I Belong to the Zoo, South Border, Ariel Rivera, Janina Teñoso, Sunkissed Lola, at iba pa.
Bukas ang parke ng Linggo hanggang Huwebes ng 5:00 p.m. hanggang 10 p.m.. at 5:00 p.m. hanggang 11:00 p.m. naman tuwing Biyernes at Sabado.