Tutukan ngayon ng Inter-Agency Task Force ang pagpigil sa pagtuloy na pagkalat ng tumagas na langis mula sa lumbog na MT Princess Impress noong Pebrero.
Ayon kay Justice Spokesman Mico Clavano, mula sa natuklasang 23 ng MT Princess, maaring ubos na ang lahat ng laman ng tanker kung kaya ang pagkilos ay maaaring hindi na tungkol sa pagsalba ng barko kundi ang pagpigil sa pagkalat ng mga tumagas na industrial oil.
Batay kase aniya sa report ang mga butas ng barko ay maaaring malabas ng dalawang litro ng langis kada minuto kaya maaaring ubos na ito.
Samantala, iniimbestigahan na din kung ang barko nga ba ay scrap o bago nang ito ay lumubog.