Kinumpirma ni Commission on Elections Chairman George Garcia na dadagdagan nila ang honoraria ng mga guro na magsisilbing electoral boards sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE).
Sa panayam ng DZME1530, sinabi ni Garcia na ang mga gurong magiging bahagi ng October 2023 poll ay makatatanggap ng P10,000, P9,000, at P8,000, mula ito sa dating P6,000, P5,000, at P4,000.
Nilinaw naman ng Poll Chairman na ipa-uubaya ng ahensya sa Commission On Audit (COA) ang desisyon hinggil sa hiling ng Department of Education (DEPED) na i-advance ang allowance ng mga guro.
Binigyang-diin naman ni Garcia na ang honoraria ng mga guro ay pinabibigay nila nang wala pang 15 araw.