Ikinukonsidera rin ng Department of Agriculture (D.A) ang pagbebenta ng iba pang nakukumpiskang smuggled non-perishable agricultural commodities gaya na lamang ng bigas.
Sinabi ni D.A Asec. Rex Eztoperez na kailangan munang makapasa ito sa phytosanitary inspection para masigurong ligtas na kainin ang bigas bago ibenta.
Samantala, ani Estoperez, hindi kasama sa mga planong ibenta ang mga madaling masira na produkto gaya ng carrots at sibuyas.
Mas mahal kasi aniya ang ilalabas na pera ng gobyerno para rito mula sa testing, logistics hanggang sa cold storage.