Dumepensa ang Commission on Higher Education (CHED) sa umano’y ‘misuse’ ng P10 billion fund na nakalaan para sa scholarship ng Tertiary level students.
Ito ay matapos akusahan ni Northern Samar 1st District Representative Paul Daza ang komisyon na ginagamit sa maling paraan ang bilyun-bilyong pondo.
Binigyang-diin ni CHED Chairman Prospero De Vera III na ang Higher Education Development Fund (HEDF) ay para pondohan ang mga proyekto na magpapalakas sa estado ng edukasyon sa bansa.
Matatandaang una nang tinalakay sa kumite ang House Resolution no. 767 na humihikayat sa pamahalaan na pagbutihin ang access sa tertiary education at bawasan ang attrition rates sa mga 4Ps beneficiaries.
Pinag-usapan din dito ang pagtugon ng CHED sa mga kapos na estudyante sa pamamagitan ng pagtaas ng budget allocation para sa mga scholarship.