Suspendido ng hangang anim na buwan ang may 33 mga opisyal ng pamahalaan dahil sa diumano’y maanomalyang pagbili ng mga pandemic supplies noong taong 2020 at 2021.
Kabilang sa mga nasuspinde ay si Overall Deputy Ombudsman Warren Rex Liong, na dating Procurement Group Director ng Department of Budget and Management – Procurement Service (PS-DBM) na nasangkot sa usapin.
Matatandaan na sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee noong taong 2021, nadiskubre ang paglipat ng P42-B na pondo ng Department of Health sa PS-DBM.
Kasama sa naturang pondo ang P8-B halaga ng mga face masks, face shields, and Personal Protective Equipment (PPEs) na binili ng PS-DBM sa pharmally Pharmaceuticals Corp., na may P625,000 paid-up capital lamang nang makipag-transaksiyon iyo sa gobyerno.