May potensyal ang Durian na maging Top-5 food export ng Pilipinas, sa harap ng paghahanda ng industriya para suplayan ang China.
Sinabi ni Emmanuel Belviz, Pangulo ng Durian Industry Association of Davao City, na nakikipag-ugnayan ang kanilang grupo sa Department of Agriculture sa paglalatag ng groundwork para sa China Export Trade, kabilang na ang preparasyon ng mga dokumento at safety protocols
Aniya, malaki ang potensyal ng Pilipinas sa Export Market, lalo na sa puyat at Duyaya Viriaties ng durian.
Idinagdag ni Belviz na dapat magbigay ang D.A ng karagdagang trainings sa mga magsasaka upang matulungan ang mga ito na makapag-produce ng durian na kayang makipag-kompetensya sa ibang mga bansa.