Kumuha na ng international lawyer ang gobyerno ng Pilipinas na tutulong sa estado upang matigil ang resumption ng imbestigasyon ng International Criminal Court (ICC) sa War on Drugs ng Duterte Administration.
Ayon kay Sol.Gen. Menardo Guevarra, isang Sarah Bafadhel na nakabase sa London at kilala bilang Best International Criminal Law Expert ang napili upang ipagtanggol ang bansa laban sa kinahaharap na procedural issues nito.
Dahil dito, babayaran ng Pilipinas ang lahat ng legal services ni Bafadhel kabilang dito ang pagtatanggol sa judicial freedom ng bansa, at pag-aapela sa ICC drug war probe ng nakaraang administrasyon.
Nanindigan si Guevarra, na dating Justice Secretary ni Duterte, na walang hurisdiksyon ang ICC para imbestigahan ang police killings sa mga drug suspect mula nag-withdaw ang bansa sa Rome Statute noong 2019.