dzme1530.ph

PBBM, nagpaabot ng pakiki-dalamhati sa America para sa mga nasawi sa pananalasa ng Hurricane Milton

Nagpaabot ng pakiki-dalamhati sa America si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., para sa mga nasawi at nasirang kabuhayan sa pananalasa ng Hurricane Milton.

Ito ay sa kanyang intervention sa 12th ASEAN-U.S. Summit sa Lao People’s Democratic Republic, na dinaluhan ni US Sec. of State Antony Blinken.

Ayon sa Pangulo, hindi masusukat ang pinsala at mga nawalang buhay sa gitna ng kalamidad.

Kasabay nito’y sinabi ni Marcos maging ang Pilipinas at ASEAN Region ay hindi rin ligtas sa epekto ng natural disasters.

Mababatid na mayroon nang mga namatay habang milyun-milyon ang naapektuhan at nawalan ng kuryente sa pagtama ng Hurricane Milton partikular sa Florida. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News

About The Author