dzme1530.ph

DPWH, NHA, lumagda ng relocation deals para sa mga pamilyang tatamaan ng flood control projects

Lumagda ang Department of Public Works and Highways (DPWH) at National Housing Authority (NHA) ng mga kasunduan upang matiyak ang tamang relokasyon ng informal settlers na maaapektuhan ng major flood control projects sa Metro Manila.

Sinabi ni DPWH Senior Undersecretary Emil Sadain na pabibilisin ng mga kasunduan ang pagsasagawa ng structural at non-structural measures sa pamamagitan ng pag-release ng ahensya ng pondo sa NHA para sa relocation at housing programs ng mga apektadong pamilya.

Maglalabas ang DPWH sa NHA ng P283.6-M para sa apat na gusali na itatayo para sa relocation at resettlement ng 274 na pamilya mula sa walong barangay sa Malabon City.

P56.78-M naman ang inilaan para sa pagtatayo ng pabahay sa 76 na pamilya sa lungsod ng Maynila.

About The Author