dzme1530.ph

Alice Guo, maghahain ng kandidatura sa susunod na linggo

Maghahain ng kanyang certificate of candidacy (COC) si dismissed Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo sa susunod na linggo, ayon sa kanyang abogado.

Hindi naman eksaktong tinukoy ni Stephen David, legal counsel ni Guo, sa ambush interview, sa Department of Justice, kung sasabak muli sa mayoralty race ang kanyang kliyente.

Sa pagharap ni Guo sa apat na komite sa Kamara na nag-iimbestiga sa mga krimeng iniuugnay sa POGOs noong Sept. 19, sinabi ng dismissed mayor na hindi pa siya nakapagpa-pasya kung kakandidatong re-electionist o hindi na, sa 2025 midterm elections.

Nagtungo si David sa DOJ, nitong Biyernes, bilang kinatawan ni Guo, na tinukoy rin sa pangalang Guo Hua Ping, para sa preliminary investigation sa reklamong Money Laundering na isinampa laban sa dating alkalde at sa 35 iba pa. —sa panulat ni Lea Soriano-Rivera

About The Author