dzme1530.ph

Kampo ni Apollo Quiboloy, tiwalang maaabswelto ang kontrobersyal na pastor sa kasong child and sexual abuse

Kumpiyansa ang kampo ni Kingdom of Jesus Christ (KOJC) founder Apollo Quiboloy na madi-dismiss ang kasong child and sexual abuse na isinampa laban sa pastor sa Quezon City Regional Trial Court Branch 106.

Dumalo ang mga abogado ni Quiboloy sa hearing noong Miyerkules, subalit muling na-delay ang pre-marking ng mga iprinisintang mga ebidensya.

Sinabi ni Atty. Israelito Torreon, legal counsel ni Quiboloy na marami pa silang mga dokumento na mamarkahan, kaya iniurong ito sa ibang araw, subalit sa buwan na ng Oktubre.

Tiwala ang abogado na ma-a-abswelto ang pastor, kagaya ng kaso nito na dinismis ng Davao City Prosecutor’s Office noong 2020.

Idinagdag na ni Torreon na hangga’t sumisikat ang araw sa silangan ay naniniwala silang inosente si Quiboloy. —sa panulat ni Lea Soriano-Rivera

About The Author