Binigyan na lamang ng ultimatum na 24 oras si Negros Oriental Rep. Arnolfo Teves Jr. upang personal na dumalo sa pagdinig ng House Committee on Ethics and Privileges, kaugnay sa pag-expire ng Travel Authority nito.
Ayon kay Committee Chair Rep. Felimon Espares, nais nilang malaman mula mismo kay Teves ang dahilan sa patuloy na pagliban nito sa pagdinig ng komite.
Hindi na rin anila pahihintulutang makapagpaliwanag si Teves gamit ang video conference o via Online.
Dagdag ni Espares, sakaling hindi sumipot sa hearing ang kongresista ng hangang alas -4 ng hapon ngayong araw, agad silang magdedesisyon kung dapat pa bang manatili ito sa serbisyo o mapatalsik bilang miyembro ng kamara.