Dumating na sa Oriental Mindoro ang salvage-rescue vessel mula sa Japan dala ang remote operated vehicle na gagamitin para makita ang sitwasyon ng lumubog na MT Princess Empress.
Ayon sa Philippine Ports Authority (PPA), alas-6:00 ng umaga kanina pumasok sa anchorage area ng Calapan Port ang barko.
Una nang inihayag ng Philippine Coast Guard (PCG) na ang nasabing rescue ship ay kinuha ng may-ari ng lumubog na motor tanker para tumulong sa pagsisikap na solusyunan ang panganib na dala ng oil spill.