dzme1530.ph

Former broadcaster Cesar Chavez, itatalagang bagong PCO Sec. —Source

Itatalaga ang dating brodkaster na si Cesar Chavez bilang bagong kalihim ng Presidential Communications Office.

Ayon sa Source, nakatakdang manumpa sa puwesto si Chavez mamayang alas-2 ng hapon.

Papalitan niya si PCO Sec. Cheloy Garafil.

Mababatid na si Chavez ang kasalukuyang Presidential Assistant for Strategic Communications.

Dati rin siyang naging Undersecretary for Railways ng Dep’t of Transportation.

Siya na ang ikatlong magiging PCO Sec. sa administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News

About The Author