dzme1530.ph

PNP, ikinakasa na ang pagpapauwi kay Alice Guo

Inaayos na ng Philippine National Police ang agarang pagpapa-uwi kay dismissed Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo.

Ito’y matapos kumpirmahin ni PNP Public Information Office Chief, Col. Jean Fajardo na naaresto si Guo, kagabi 11:30 sa Jakarta, Indonesia.

Sa pulong balitaan sa Kampo Crame, inilabas ng PNP ang mga larawan ni Guo kung saan nasa kustodiya ito ng Tangerang City Police sa Jakarta at nakausap din umano mismo ni PNP Chief Gen. Rommel Francisco Marbil via Zoom ang dating alkalde.

Ayon pa kay Fajardo, ang pagkakaaresto sa dating alkalde ay bunga ng pinaigting na ugnayan ng PNP at Indonesian Police alinsunod na rin sa kautusan nina DILG Sec. Benhur Abalos, Jr at PNP Chief Gen. Rommel Francisco Marbil. —ulat mula kay Allen Ibañez, DZME News

About The Author