Inaasahang magpapatupad ng rollback sa presyo ng produktong petrolyo ang mga kumpaniya ng langis bukas.
Batay sa pagtaya ng Department of Energy- Oil Industry Management Bureau, P1.70 hanggang P2.00 ang posibleng tapyas-presyo sa kada litro ng diesel, habang ang presyo ng gasolina ay maaaring maglaro sa P1.20 hanggang P1.50 kada litro.
Maliban sa diesel at gasolina, inaasahang magiging malaki rin ang oil price rollback sa kerosene na maglalaro sa 1.90 hanggang 2.20 kada litro.
Itinuturong dahilan ng nagbabadyang bawas-singil ang pagbaba ng presyo ng langis sa pandaigdigang merkado.