Naitala sa $111.268-B ang utang panlabas ng bansa noong nakaraang taon.
Ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas, katumbas ito ng 27.5% ng Gross Domestic Product (GDP), na mas taas kumpara sa 27% noong 2021.
Sa preliminary data na inilabas ng BSP, umakyat sa 4.5% ang external debt hanggang noong katapusan ng 2022, kumpara sa sinundan nitong taon.
Bumaba naman sa 6.3% ang debt-service ratio noong 2022 mula sa 7.5% noong 2021.