dzme1530.ph

Gobyerno, pinaglalatag ng mas malakas na hakbangin kontra HIV sa gitna ng pagtaas ng kaso sa kabataan

Aminado si Senate Committee on Health Chairman Christopher ‘Bong’ Go na nakakabahala ang bagong datos na patuloy ang pagtaas ng kaso ng Human Immunodeficiency Virus infection and Acquired Immunodeficiency Syndrome (HIV/AIDS) sa bansa.

Sinabi ni Go na may sapat na pondo ang gobyerno para sa kampanya laban sa pagkalat ng HIV at AIDS kaya’t dapat anyang magpatupad ng mas epektibong hakbangin upang mapunan ang mga problema sa implementasyon ng Philippine HIV and AIDS Policy Act.

Sa datos ng Department of Health, nasa 1,454 bagong HIV cases ang naiulat noong Enero nitong taon lamang na katumbas ng 46 na kaso kada araw.

Ang mas nakababahala, ayon sa senador ay ang datos na 86 sa mga kaso ay adolescents at bata kasama ang pitong kaso na edad 10 pababa.

Sinabi ni Go na naglaan ang gobyerno ng P1.433-B para sa mga programa laban HIV at iba pang sexually transmitted infections, kasama ang P590 million na inilaan noong 2022.

About The Author