dzme1530.ph

P750 national minimum wage may malaking epekto sa MSMEs —ECoP

‘’Magtaas ng presyo o magbabawas ng empleyado ang Micro, Small and Medium Enterprises?’’

Ayon kay ECOP president Sergio Ortiz-Luis, ito’y kung magiging ganap na batas ang panukalang itaas sa P750 ang arawang sahod ng mga minimum wage earners sa pribadong sektor.

Nilinaw ni Ortiz-Luis na 90% ng mga negosyo ay Micro, 8% ang Small, 1% ang Medium at Large.

Posible aniyang maisakatuparan ang dagdag-sahod ng malalaking kumpaniya, pero namemeligrong hindi ito magagawa ng maliliit na business enterprise.

Matatandaang noong isang linggo ay inihain ng Minority Bloc sa Kamara ang House Bill 7568 na layong isara sa P750 ang national minimum wage ng mga manggagawa sa pribadong sektor kabilang ang mga nasa special economic zones, freeports at agri-sectors.

Kaiba pa ito sa inihaing panukala ni Sen Juan Miguel Zubiri na P150 na umento sa minimum wage.

About The Author