Kabuuang P17.7-B ang inilaang budget ngayong taon para sa Tourism Road Infrastructure Program (TRIP), ayon sa Department of Budget and Management (DBM).
Sinabi ng DBM na mas mataas ito ng P602-M mula sa P17.087-B noong nakaraang taon.
Binigyang diin ni Budget Secretary Amenah Pangandaman ang kahalagahan ng pagbibigay ng funding support sa importanteng infrastructure projects, na nagsisilbing backbone ng ekonomiya.
Ipinunto rin ni Pangandaman na mahalagang sangkap sa pagpapaunlad ng turismo ang “mobility at connectivity.”