dzme1530.ph

Cybercrimes sa Japan, pumalo sa 12,369

Pumalo sa record high ang bilang ng Cybercrimes sa Japan na nadiskubre ng pulisya noong 2022.

Ayon sa National Police Agency, mula sa 160 ay lumobo sa 12,369 ang mga kaso, kung saan pinakamalaki ang itinaas sa ransomware attacks.

Umakyat din sa record high na 7,709.9 per Internet Protocol Address ang daily average ng suspicious internet cases sa Japan, kabilang ang cyberattacks.

Dahil sa pagtaas ng remote working bunsod ng Covid-19 pandemic, sumipa sa 57.5% ang bilang ng ransomware attacks kung saan nagde-demand ang hackers ng bayad mula sa mga biktima para maibalik ang kanilang access sa data.

About The Author